CEBU CITY – Naospital ang walong mag-aaral dahil sa kinaing popsicle sa Barangay Malubog sa lungsod na ito.

Binili ng mga biktima, pawang mag-aaral sa Grade 4, ang popsicle mula sa isang naglalako nito sa labas ng paaralan.

Ilang minuto matapos kainin ang popsicle ay sumakit na ang tiyan at nagsuka ang mga bata, na kaagad isinugod ng mga opisyal ng eskuwelahan sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Hindi pa kinukumpirma ng mga opisyal ng paaralan na ang popsicle ang dahilan ng pagkakaospital ng mga mag-aaral, ngunit iginiit ng mga bata na popsicle lamang ang kanilang kinain bago sumakit ang kanilang mga tiyan.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Naipadala na sa City Health Office ang samples ng popsicle para masuri. (Mars W. Mosqueda, Jr.)