Binawi na ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang Work Stoppage Order (WSO) nito sa 48 establisimyento na gumagawa at nagbebenta ng paputok sa Bulacan, matapos masuri na sumusunod ang mga ito sa pamantayan sa paggawa, kaligtasan sa trabaho at kalusugan.

“The 48 establishments were compliant with labor and OSH standards and other pertinent labor laws, rules, and regulations,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagdiriwang ng ika-83 anibersaryo ng Occupational Safety and Health Center.

Idinagdag ni Bello na hindi pa nila inaalis ang WSO sa natitirang 40 establisimyento na patuloy pang sinisiyasat.

(Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'