Apat na katao ang nasugatan sa pagsabog ng isang granada sa Iligan City nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Army Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), na nangyari ang pagsabog pasado 7:00 ng gabi.

Nabatid na isang hindi nakilalang lalaki na nakasuot ng itim na T-shirt, bonnet at puting sapatos na sakay sa motorsiklo ang naghagis ng granada sa harap ng sangay ng isang money transfer establishment sa Public Plaza sa Barangay Poblacion.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Laureto Carabantes, 26, ng Purok 5, Bgy. Santiago; Cristine Mercaderos, 20, ng Bgy. Maria Cristina; Cherryl Paquit, 26, ng Bgy. Suarez; at Shielamae Maagad, 23, ng Bgy. Poblacion sa Iligan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Wala pang grupo na umaako sa insidente at inaalam pa sa imbestigasyon ang motibo sa pagpapasabog.

(Francis T. Wakefield at Camcer O. Imam)