Halatang iniwasan lamang ni IBF light flyweight champion Akira Yaegashi ng Japan ang pagdedepensa kay mandatory contender Milan Melindo ng Pilipinas nang pumayag itong sumagupa sa unranked na si Wittawas Basapean ng Thailand sa Disyembre 30 sa Ariake Colloseum sa Tokyo, Japan.

Ikinatwiran ni Yaegashi na nagkaroon siya ng pinsala sa kamay kaya hindi makapagdepensa kay Melindo na napilitang labanan at talunin sa puntos si Thai Fahlan Sakeerin Jr. kamakailan upang maging interim IBF light flyweight champion.

Hindi nakalista si Basapean sa IBF ranking pero may ginagamit siyang pangalan na Samartlek Kokietgym at hindi pa tiyak kung siya ang No. 7 sa listahan na si Phaiparob Kokietgym.

Nakalista naman siyang No. 5 sa WBA minimumweight ranking dahil siya ang PABA minimumweight champion.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tinalo sa puntos ni world ranked Randy Petalcorin si Basapean noong 2012 sa Mandaluyong City para sa PABA light flyweight title na ginagamit pa niya ang pangalang Samartlek Chaiyonggym at tinalo siya ni Denver Cuello sa 9th round via TKO noong 2011 para sa WBC International minimumweight title sa Angono, Rizal. (Gilbert Espeña)