Inaasahan ang pagdating ng naggagandahang kandidata para sa “65th Miss Universe” ngayong Biyernes, Disyembre 9, at mananatili sila sa bansa ng isang linggo.

Kabilang sa mga darating sina Miss Australia, Miss China, Miss Indonesia, Miss Japan, Miss Korea, Miss New Zealand, Miss Malaysia, Miss Myanmar, Miss Thailand at Miss USA para sa kick-off party sa Sabado ng gabi sa Conrad Hotel sa Pasay City, inihayag ng Department of Tourism (DoT) kahapon.

Sinabi rin ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na makakasama ng 10 contestants si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach sa opening salvo ng Miss Universe Pageant. Gaganapin ang coronation night sa Enero 30, 2017 sa Mall of Asia Arena.

“Pia Wurtzbach is extremely excited and so proud that this pageant is happening in the Philippines during her reign for all the world to see,” ani Teo.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kinumpirma rin ni Teo na sasalabungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang first batch ng Miss Universe hopefuls, kabilang na si Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina sa Malacañang sa hindi pa binanggit na petsa.

Inihayag naman ni Tourism Undersecretary Kat de Castro na ang Cebu ang unang dadayuhin ng mahigit 90 Miss Universe candidates.

Ipararanas sa mga kandidata ang paglangoy kasama ang mga Butanding sa Oslob. Matitikman din nila ang sikat na lechon ng lungsod.

Ang Cebu ang magiging host ng swimwear presentation ng mga kandidata. (ARIEL FERNANDEZ at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)