ISLAMABAD (Reuters) – Ipinagluksa ng Pakistan kahapon ang 47 biktima ng pagbulusok ng isang eroplano nitong Miyerkules. Kabilang sa mga namatay ang isang sikat na rockstar-turned-Muslim evangelist, dalawang sanggol, tatlong banyaga.
“There are no survivors, no one has survived,” sabi ni Muhammad Azam Saigol, chairman ng Pakistan International Airlines.
Unang pinaniniwalaan na engine trouble ang dahilan ng trahedya, ngunit nanatili ang maraming katanungan.
Ayon sa PIA, nag-ulat ang captain ng flight PK661 na nawawalan ng power ang isa sa turboprop engines nito ilang minuto bago nawalan ng contact ang eroplano sa control tower. Bumulusok ang ATR-42 aircraft dakong 4:42 pm local time (1142 GMT) sa kabundukan ng bayan ng Havelian, sa Khyber-Pakhtunkhwa province, halos 40km ang layo sa hilaga ng Islamabad. Ang Chitral, kung saan nagsimula ang flight, ay isang sikat na tourist destination sa Pakistan.