Sinasabing sa tahanan ng isang mag-asawa nagsimula ang sunog na tumupok sa 30 bahay sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Mandaluyong City Fire Bureau, 60 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring sunog na umano’y nagsimula sa tahanan nina Gerald at Andrea Casungkat sa Welfareville Compound, Barangay Addition Hills ng nasabing lungsod, dakong 1:30 ng madaling araw.

Ayon sa ilang residente, narinig nilang nag-aaway ang mag-asawa sa kasagsagan ng brownout.

Posible umanong habang nag-aaway ay natabig ng isa sa mga ito ang kandilang kanilang ginagamit na maaaring pinagmulan ng apoy.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Namataan din umano ng mga residente na tumakbo papalayo ang mag-asawa habang isa-isang nasusunog ang mga bahay.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago idineklarang under control, dakong 3:00 ng madaling araw.

Wala naiulat na nasugatan sa sunog na tumupok sa P200,000 halaga ng ari-arian. (Mary Ann Santiago)