AMINADO si Direk Erik Matti dalawang taon at kalahating dinebelop ang script para sa kanyang pelikulang Seklusyon na kasali sa 2016 Metro Manila Film Festival dahil kung saan-saan napunta ang kuwento nito.

“Matagal na kasi kaming naghahanap ng tunay na horror, kasi ang huling horror na ginawa namin ay ‘yung Pasiyam (2004), the first movie of Reality Entertainment pa,” kuwento ni Direk Erik nang humarap sa kanyang pocket presscon.

“Siyempre may ibang parts ng horror ‘yung Tiktik and Kubot pero ang gusto namin ‘yung totoong horror and mahirap maghanap ng idea na horror na premise, siyempre mayroon kang maiisip na kuwentong ghost, meron iba-iba.

“Pero nu’ng narinig namin ‘tong premise na ‘to, actually na’kuwento ng editor namin na ‘yung kapatid niyang magpapari na sinabihan ng simbahan na huwag nang maglalabas kasi malapit na ang day ng ordination, kasi malapit sa tukso, baka mahirapan siyang umiwas kapag tinukso siya ng demonyo. And that stuck with us.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Maraming napuntahan ang kuwentong ito, mayroon napunta sa aksiyon, hindi kami masaya, we’ve been developing this script mga two years and a half na, so paiba-iba kami.

“Until we just thought of what if we bring them to secluded house and stay there for a week and that premise marami ring napuntahan pa, may mga demonyo na lumalabas na may away ‘tapos medyo panday.

“It doesn’t fit well with us kasi parang hindi siya horror kasi napupunta na naman sa action. We’ve been doing movies na horror na may action, so gusto namin ng iba, gusto namin ng bago.

“Kaya naisip namin na ‘yung healer na bata na dapat exclusive lang ‘yung secluded house pero may dumating na madre na may kasamang bata na what would happen, parang Big Brother house na lagyan mo ng ibang tao, magkakagulo ‘yun,” kuwento ni Direk Erik.

Sinadya rin niya na pawang mga baguhan o hindi gaanong sikat na artista ang kasama sa Seklusyon.

“Itong project na ito, naisip naming gawin na if we could gather a group of actors that we could launch. Ang hirap din kasi ngayon na everyone owning the talents, ang hirap maghanap ng time for the talents, so we wanted actors that we could make use, maybe discover a new talents, discover some new faces for the industry and we decided to cast sina Ronnie Alonte, Johnvic, Jay R is baguhan din sa Manila. Bagay din sila kasi ang story naman about young deacons, we decided to try out new names,” pahayag ng direktor.

Walang computer generated images sa Seklusyon dahil ayaw nilang matabunan ng effects ang konsepto ng horror na gusto nila.

“So lahat ginamitan namin ng camera at editing para totoo ‘yung nangyayari. We do touch hubs, pero never kaming gumawa ng CG na character, lumilipad na mga demonyo. We wanted this film o be close to realism as possible.”

Nagsimulang mag-shoot ang Seklusyon noong Mayo at madugo ang schedules ng ibang cast kaya pahintu-hinto.

“Si Ronnie may Showtime, ang dami naming ipinaalam sa Showtime, we started shooting May and inabot kami til later of July. And nag-start si Ted Boborol ng Vince, Kath and James (kasama si Ronnie) and then nag-segue-segue na. We work on our last three (shooting) days, when Vince, Kath and James started,”sey pa ni Direk Erik. (REGGEE BONOAN)