Lumagda ang finance officials at climate experts mula sa Pilipinas at iba pang umuunlad na bansa sa deklarasyon na tutulong sa kanila na makakuha ng mas mabilis na pag-abot sa international climate funding.

Sa deklarasyon na nilagdaan sa Manila kahapon, nagkasundo ang Pilipinas, Indonesia, Vietnam, Cambodia, Thailand, Bangladesh, India, at Nepal na manawagan para sa “urgent climate action and support from the international community” at “mobilize all available resources, including our own, to ensure that our dometic institutions can deliver climate finance far sooner and with far greater impact.”

Nakatuon ang dalawang araw na pagpupulong, nagsimula noong Martes, sa kung paano magtutulungan ang mga pamahalaan, bangko, at kumpaya para resolbahin ang mga hamon ng pagkuha ng accreditation at approval ng mga proyekto sa United Nations (UN) Green Climate Fund.

Layunin ng fund na gamitin ang US$100 billion bawat taon hanggang 2020 para suportahan ang climate action sa developing countries. (Ellalyn B. De Vera)

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3