Pormal nang tinanggap ng pamunuan ng National University nitong Miyerkules ang pagbibitiw ni dating PBA player Eric Altamirano bilang head coach ng Bulldogs.

Ayon kay athletic director Chito Loyzaga, mabigat man sa kalooban ng NU management at ng komunidad ng unibersidad, tinanggap nila ang pagbibitiw ni Altamirano upang mabigyan nang pagkakataon ang itinuturin nilang ‘Maestro’ na mapagtuunan ng pansin ang personal na buhay.

Pinasalamatan ni Loyzaga si Altamirano sa hindi matatawarang kontribusyon sa eskwelahan.

Mula sa laylayan ng team standing, nakausad sa pedestal ang Bulldogs sa pangangasiwa ni Altamirano.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakamit ng NU ang kauna-unahang UAAP championship matapos aang anim na dekada noong 2014 Season.

“The management has already accepted the resignation of coach Eric. On behalf of NU, we would like to thank coach Eric for his contributions to the NU community particularly the championship that he spearheaded,” sambit ni Loyzaga sa official na pahayag ng NU.

“It was a championship that NU got after 60 years. It was memorable for the NU community. We are thankful,” ayon sa dating PBA player at commissioner sa Philippine Sports Commission.