Muling ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng National Career Assessment Exam (NCAE) para sa School Year (SY) 2016-2017 na nakatakda sanang idaos kahapon at ngayong araw.

Ayon sa DepEd, ang postponement ng NCAE ay bunsod ng “administrative at logistical limitations” ng kagawaran.

Nabatid na “indefinite” ang postponement ng pagsusulit at sinabihan na lang ang mga kukuha ng pagsusulit na aabisuhan sila sa sandaling makapagpalabas na ng bagong memorandum ang DepEd hinggil sa bagong petsa ng pagdaraos nito.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang NCAE.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Una itong itinakda noong Agosto 30 at 31 ngunit nailipat ng Disyembre 7 at 8, ngunit muli itong nakansela.

Ang NCAE, na assessment sa aptitude at skills ng mga mag-aaral, ay ibinibigay sa mga Grade 9 student na naka-enroll sa mga pampubliko at pribadong high school na may permit to operate ng DepEd o kinikilala ng gobyerno.

Sa ilalim ng NCAE, inaalam ng DepEd kung saang larangan may taglay na galing at maaaring mag-excel ang isang estudyante.

Gayunman, ito’y “non-discriminatory” para sa mga ang aptitude ay para sa tech-voc o entrepreneurial courses.

Bukas din ang NCAE sa mga out-of-school youth at ALS (Alternative Learning System) Accreditation and Equivalency (A&E) passer, na interesadong kumuha nito. (Mary Ann Santiago)