Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa dating chief of staff ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa businesswoman na si Janet Lim Napoles at sa dalawang empleyado niya, at mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng alegasyon sa maling paggamit ng naideklarang ilegal na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa isang desisyon, dinismis ng SC ang mga petisyon na isinampa ng abogadong si Richard Cambe, ni Napoles at ng kanyang mga empleyadong sina Roland John Lim at Raymund de Asis, at mga opisyal ng DBM na sina Mario Relampagos, Rosario Salamida Nunez, Lalaine Narag Paule, at Marilou Bare.

Kabilang sila sa mga kasong plunder at graft ni Revilla na nagsampa ng petisyon pero ibinasura ng SC.

Sa press statement na inilabas ng public information office (PIO) ng SC, nakasaad na, “(High Court) ruled to dismiss the petitions for lack of merit, affirm the finding of probable cause against all the petitioners, and direct the Sandiganbayan, as the trial court, to commence/continue all necessary proceedings in these cases with deliberate dispatch.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatakda pa lamang na resolbahin ng SC ang petisyon ni Revilla na kumukuwestiyon sa pagtanggi ng Sandiganbayan sa kanyang mosyon na makapagpiyansa. (Rey G. Panaligan)