DAVAO CITY – Hiniling ni Mindanao Development Authority (MinDA) Chairman Abul Khayr Alono sa Maute terror group at mga tagasuporta nito na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan sa ilalim ng administrasyong Duterte, at pinaalalahanan silang labis na pinahahalagahan ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon nito ng dugong Moro.

“We call upon the so called Maute group (to remember that) the people of Mindanao are rallying the President and the Armed Forces against all forms of extremism or terrorism,” sinabi ni Alonto sa panayam sa kanya kamakailan ng mga mamamahayag na nakabase sa Cotabato.

“Mindanao will be a one house, one home where everybody will feel belongingness… An option of war has no place now in Mindanao,” sinabi ni Alonto, isa mga opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Tinawag niya ang mga leader at miyembro ng Maute na kanyang “younger brothers” sa tribung Maranao at hinikayat sila “to come to their senses” sa gitna ng ilang beses na pahayag ni Pangulong Duterte na may lahing Maranao ang lola nito.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

“For the sake of majority innocent civilians getting displaced in senseless fighting, please stop violence,” panawagan ni Alonto sa Mautem, tinukoy ang libu-libong pamilyang itinaboy ng karahasan dahil sa pagsalakay at tangkang pagkubkob ng grupo sa Butig, Lanao del Sur.

Nagbanta rin si Alonto laban sa lahat ng tumutulong at sumusuporta sa Maute, sinabing ang mga awtoridad “[have already] identified many of you.” Dagdag pa niya, isa-isang aarestuhin ang mga ito.

Samantala, isang Army Ranger ang nasawi at isa pa ang nasugatan sa engkuwentro sa may 60 miyembro ng Maute kahapon ng umaga, sa Butig.

Ayon sa militar, sa kabuuan ay 63 na sa Maute ang napapatay, habang 17 ang sugatan sa pakikipagsagupa sa militar.

Isang sundalo naman ang nasawi at 38 ang nasugatan sa mga paglalaban. (Ali G. Macabalang at Nonoy E. Lacson)