Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang keynote speaker ang importanteng pagpupulong ng mga pangulo at athletic director mula sa mga unibersidad at kolehiyo na nagsasagawa ng liga sa buong bansa para mabalangkas ang direksiyon sa grassroots sports program ng bansa.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na nakausap niya ang Pangulo na nagbigay naman ng buong suporta para malapakas ang programa sa sports at tuluyang maiwaksi sa kabataan ang droga.
“I have asked the President to be the keynote speaker of this gathering of important person in sports most especially in the academe,” sabi ni Ramirez.
Una munang ipinaliwanag ni Ramirez na aayusin ng kanyang ahensiya ang kakulangan sa pagsasagawa ng mga grassroots sports at developmental program ng PSC tulad ng Batang Pinoy(BP) at Philippine National Games (PNG).
“We are looking at strengthening and enhancing Batang Pinoy and Philippine National Games next year based on what we have experience in recent staging and we hope to put a lot of improvement also to Palaro.
However, my concentration and focus of knowledge is more on convergence of all universities and colleges,” aniya.
Isasagawa naman ang pagsasama-sama ng mga matataas na opisyales ng mga unibersidad at kolehiyo sa gaganaping Intersection Meeting sa Enero 6 sa Davao City.
“We hope to have a Philippine Universities and Collegiate Sports Federation, which will form and part of the PSC grassroots program for young athletes in the academe,” sabi ni Ramirez. ““We will invite the president and athletic directors of all universities to pitch in their help for national sports development.”
“A lot of officials has been asking us after the first school intersection meeting, bakit hindi sila kasama, so now buong Pilipinas na ito na pagsasama-samahin at iimbitahan natin ang lahat ng mga presidente ng bawat liga sa bansa,” ayon kay Ramirez.
Una nang nagsagawa ng Intersection Meeting ang POSC tampok ang malalaking liga tulad ng CESAFI, UAAP, NCAA, WNCAA, UniGames, NAASCU, SCUAA at PRISAA habang ang ikalawang pagpupulong ay tampok na ang lahat ng mga may kinalaman sa sports. (Angie Oredo)