Tumambad sa awtoridad ang bangkay ng isang high school student sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hatinggabi.

Sa pamamagitan ng identification (ID) card, kinilala ang biktima na si Paul David Fran, tinatayang nasa edad 16-19, estudyante ng Batangas National High School, nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Charles Licyayo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), lumilitaw na nangyari ang insidente sa Vargas Compound sa 11th Street, Port Area, dakong 11:55 ng gabi.

Sa salaysay sa pulisya ni Mohamad Alipolo, 42, nakarinig siya ng mga putok ng baril malapit sa kanyang tahanan kaya agad siyang tumawag sa mga barangay at ini-report ang narinig.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Ipinaalam naman ito ng mga barangay official sa Baseco Police Community Precinct (PCP) at nang rumesponde ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na tadtad ng bala sa katawan.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pamamaril. (Mary Ann Santiago)