WESSON, Miss. (AP) — Nakawagayway ang mga bandila ng Amerika sa maliit na bayan ng Wesson sa Mississippi habang dinadala sa kanyang huling hantungan ang isang 23-anyos na sailor nitong Miyerkules, 75 matapos siyang mamatay sa Pearl Harbor.
Si Fireman 1st Class Jim H. Johnston, ay kabilang sa 429 crewmen na namatay sakay ng USS Oklahoma nang ito ay bombahin ng eroplanong Japanese noong Disyembre 7, 1941. Ang pag-atakeng ito ang nagtulak sa United States sa World War II.
Hinukay ang mga labi ni Johnston noong nakaraang taon sa pag-asang makilala ito. Gumamit ang scientists ng mitochondrial DNA analysis, circumstantial evidence, laboratory analysis at dental comparisons na sa wakas ay nag-match sa records ni Johnston.
Noong Oktubre 1949, nagdeklara ang isang military board na marami sa mga bangkay sa Oklahoma, kabilang na ang kay Johnson, ay hindi na makikita.