Disyembre 7, 1787 nang ang Delaware ay maging unang estado ng modernong Amerika makaraang nagkaisa ang 30 delegado ng Delaware Constitutional Convention na ratipikahan ang Konstitusyon ng United States.
Apat na buwan bago ito, 37 sa orihinal na 55 delegado sa Constitutional Convention meeting sa Philadelphia ang pumirma sa Konstitusyon, na ipinadala sa mga estado para ratipikahan. Kapag siyam sa 13 kolonya ang nagratipika sa dokumento, magbubuklod na ang Konstitusyon, batay sa itinakda ng dokumento.
Ang New Hampshire ang naging ikasiyam na estado na nagratipika ng Konstitusyon noong Hunyo 21, 1788, ang araw na naging batas ang federal democracy sa bansa.