Hindi na nakauwi ng bahay ang isang 30-anyos na lalaki matapos siyang barilin ng dalawang nakamaskarang suspek na sakay sa motorsiklo, sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Christopher Delanton, tricycle driver, ng Cruz Street, Barangay 147, Zone 16, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police,dakong 8:00 ng gabi ay naghahapunan ang pamilya Delanton nang dumating ang mga kaibigan ng biktima na sina alyas “Mico” at “Johnli” at nagyayang gumala, kaya nagpaalam si Christopher sa inang si Evelyn na lalabas ng bahay.

Nagulat na lang si Evelyn nang ibalita sa kanya na pinagbabaril si Christopher ng dalawang nakasuot ng maskara sa panulukan ng Chico at Guyabano Streets sa Bgy. 145.

National

'A season of renewal!' PBBM, nakiisa sa selebrasyon ng Lunar New Year

Hinala ng ginang, posibleng may kaugnayan sa drug war ang pagkakapaslang sa kanyang anak—na sumuko sa Oplan Tokhang ngunit nagpatuloy sa paggamit ng droga. (Bella Gamotea)