DAGUPAN CITY, Pangasinan – Arestado ang isang guro sa pampublikong eskuwelahan na kilala sa pagtutulak umano ng droga sa Laoag City, Ilocos Norte, habang walong iba pang hinihinalang sangkot sa droga ang nadakip sa hiwalay na operasyon sa Dagupan City, Pangasinan.

Sinabi kahapon ni Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag City Police, na sa bisa ng search warrant ay inaresto si Jemcefen Luis, alyas “Kwatog/Mistro”, 39, guro sa isang paaralang elementarya sa Bacarra, at taga-Laoag City, dakong 11:00 ng umaga nitong Sabado.

Nakumpiska sa guro ang limang bala ng .38 caliber revolver, walong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang medium-sized plastic sachet ng marijuana, at drug paraphernalia.

Sa Dagupan City, walong sangkot umano sa droga ang naaresto ng pulisya na nagpatupad ng search warrant at buy-bust operation.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Supt. Neil Miro, hepe ng Dagupan City Police, 25 sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

(Liezle Basa Iñigo)