Washington (Reuters) – Nanawagan ang China sa mga opisyal ng US noong Martes na huwag pahintulutan si Taiwanese President Tsai Ing-wen na makadaan sa United States patungong Guatemala sa susunod na buwan, ilang araw matapos galitin ni President-elect Donald Trump ang Beijing nang tawagan nito sa telepono si Tsai.

Lumalabas na binalewala ng US State Department ang panawagan, sinabi na ang ganitong transits ay nakabatay sa “long-standing US practice, consistent with the unofficial nature of (US) relations with Taiwan.”

Masyadong naghihinala ang China kay Tsai, na isinusulong ang formal independence ng Taiwan sa Bejing, na itinuturing naman ito na rebeldeng probinsiya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina