LLANERA, Nueva Ecija - Hinihinalang biktima ng summary execution ang hindi pa kilalang lalaki na sunog at naaagnas nang matagpuan malapit sa sapa sa Purok 2, Barangay Gen. Luna sa bayang ito, noong Lunes ng madaling araw.
Dakong 2:00 ng umaga at mangingisda sana si Edward Dela Cruz, 35, kasama ang dalawa niyang anak nang malanghap nila ang masangsang na amoy hanggang sa nadiskubre nila ang bangkay, ayon kay SPO1 Alex Caspillan.
Inilagak ang bangkay sa Santos-Salvador Funeral Services sa Bgy. Bagumbayan sa Llanera. (Light A. Nolasco)