Sa pagdiriwang ng National Stamp Collecting Month (NSCM), inihayag ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang mga kapana-panabik na selyong ilalabas nila sa susunod na taon.

Sa ginanap na “partner’s night” sa Diamond Hotel sa Maynila, iprinisinta ng PHLPost ang 14 na commemorative at special issues na ilalabas simula sa Pebrero. Kabilang dito ang special embellishment heart perforation at heart sheet upang ipagdiwang ang “Araw ng mga Puso”, Asean 50th Commemorative issue na tampok ang “Philippines chairmanship postage stamps” at selyo ng 250th founding anniversary ng postal service sa bansa. Abangan din ang selyo ng “Philippine Sunset” na mayroong special embellishment luminous ink.

Sa nasabing okasyon, pinarangalan ng PHLPost ang kanyang corporate partners, stamp collectors at media na kinilala bilang Letter Writing Advocates, dahil sa kanilang walang humpay na pagtataguyod ng sining ng pagsusulat. Layunin nitong maikintal sa puso at isipan ng mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng pagsusulat sa kabila ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. (Beth Camia)

Michael Bublé humanga kay Kristine Hermosa, sey ni Sofronio Vasquez