Hindi na nagulat ang isang arsobispo sa napaulat na pagre-recruit ng Maute terror group ng mga menor de edad bilang mandirigma nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na matagal na niyang naririnig ang tungkol sa pagre-recruit ng mga grupong rebelde ng mga batang mandirigma kahit noong nakatalaga pa siya sa Basilan.

Sa isang panayam sa arsobispo noong 2014, sinabi niyang may dalawang dahilan kung bakit nahihikayat ang kabataan na sumali sa mga rebeldeng grupo: kahirapan at kawalan ng gabay ng mga magulang.

Sinabi ni Jumoad na mahalagang gawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang makuha ang simpatiya “of our young in the side of goodness.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naglabasan kamakailan ang mga video ng mga pisikal na pagsasanay ng mga binatilyo para maging mandirigma ng Maute terror group.

NALAGAS

Samantala, nakasamsam kahapon ng umaga ang militar at pulisya ng mga baril at mga gamit sa paggawa ng bomba nang salakayin ang bahay ni Farhana Maute, ina ng magkakapatid na Maute, sa Butig, Lanao del Sur.

Sinabi rin ni Army Major Filemon I. Tan Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), na isang sundalo ang nasawi nang makabakbakan ng militar ang nasa 20 miyembro ng Maute, dakong 1:00 ng hapon nitong Lunes. (Leslie Ann G. Aquino at Francis T. Wakefield)