Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Senador Bong Revilla na kumukuwestiyon sa findings of probable cause para siya ay litisin sa P224-milyon kaso ng plunder at graft.
Ang kaso ay may kinalaman pa rin sa umano’y anomalya sa paggamit ng pork barrel allocation ni Revilla noong siya ay mambabatas pa, mula 2007 hanggang 2009.
Sa botong 13-1-1 ay nabasura ang petisyon ni Revilla.
Hindi pa pinal at executory ang nasabing desisyon, at may 15 araw pa si Revilla para maghain ng motion for reconsideration.
Nakadetine pa rin si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. (Beth Camia)