Ikatlong sunod na panalo upang pagtibayin ang kanilang kapit sa maagang pamumuno ang target ng Globalport habang makaahon naman mula sa ilalim ng standing ang tatangkain ng Alaska at Star sa pagpapatuloy ng OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa MOA Arena.

Nagsosolong unbeaten team ang Batang Pier matapos makopo ang ikalawang dikit na panalo kontra Hotshots noong makaraang Disyembre 2 sa iskor na 91-84.

Itataya nila ang malinis na marka sa pambungad na laban ganap na 4:15 ng hapon kontra Aces na hindi pa nananalo matapos ang unang dalawang laro.

Ayon kay bagong Batang Pier coach Franz Pumaren, maaga pa upang sukatin ang naabot ng kanyang koponan, ngunit naniniwala siyang maganda itong buwelo para sa mga susunod pa nilang laban kung saan lubusang masusubok ang kanilang kakayahan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re putting emphasis on team defense. Everybody’s embracing their respective roles,” pahayag ni Pumaren.

“But it’s still an early gauge for us. The real test will be the coming games. This will be a great springboard for us.” (Marivic Awitan)