Pinaniniwalaang hindi nakayanan ng isang 37-anyos na lalaki ang labis na kalungkutan matapos siyang iwan ng kanyang kinakasama kaya nagawa niyang magbigti nang paupo nitong Lunes ng gabi sa Malabon City.

Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) para alisin ang lubid na nakapulupot sa leeg ni Ronal Dalisay, ng Gov. Pascual Avenue, Barangay Catmon, Malabon.

Kuwento ni Justine Fuentes, kapitbahay ni Dalisay, bandang 7:30 ng gabi nang nagtungo siya sa bahay ni Dalisay dahil may itatanong siya rito.

“Walang sumasagot, kaya sumilip ako sa bintana at nakita ko siya (Dalisay) na parang hindi na kumikilos,” ani Fuentes, na kaagad humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at pulisya.

National

'A season of renewal!' PBBM, nakiisa sa selebrasyon ng Lunar New Year

Nabatid na mababa lang ang kisame ng bahay ni Dalisay kaya upang makapagbigti ay napilitan siyang gumamit ng bangko.

Mahigit dalawang linggo na umanong malungkot at nag-iisa si Dalisay simula nang iwan ng kinakasama. (Orly L. Barcala)