BIREUEN, Indonesia (AP) — Isang malakas na lindol sa ilalim ng dagat ang yumanig sa Aceh province ng Indonesia nitong Martes ng umaga, na ikinamatay ng 52 katao at ikinawasak ng maraming gusali.

Natutulung-tulong ang mga residente, sundalo at pulis sa paghanap ng iba pang mga biktima sa Meureudu, ang pinakaapektadong bayan sa Pidie Jaya district.

Sinabi ni district chief Aiyub Abbas na daan-daang katao sa distrito ang nagtamo ng mga pinsala at mahigit 40 gusali kabilang na ang mga moske, tindahan, at bahay ang napatag. Matatagpuan ang distrito may 18 kilometro sa timog kanluran ng epicenter.

Ayon sa US Geological Survey tumama ang 6.4-magnitude lindol dakong 5:03 ng umaga. Nakasentro ito 10 kilometro sa hilaga ng Reuleut, isang bayan sa Aceh, at may lalim na 17 km. Walang panganib ng tsunami.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina