Pinaiimbestigahan ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Anna Paner ang kumakalat na pekeng sugar import certificates na ginagamit ng mga sindikato.

Nakasaad sa pekeng sertipikasyon ang pag-apruba ng ahensya sa layunin ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na mag-import ng 40,000 metriko toneladang asukal.

“The two supposed board resolutions, dated October 25 and November 15, cited in the certificates did not exist because no such board meetings took place,” sabi ni Paner.

Hindi rin aniya sumunod sa naaprubahang format ng SRA ang mga tinutukoy na sertipikasyon at pineke ang kanyang pirma.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kumilos ang SRA, matapos makatanggap ng maraming reklamo ang Department of Agriculture (DA) na nanawagang iberipika ang import licenses/permits. (Rommel P. Tabbad)