Inaresto ng pulisya ang isa pang suspek sa pagtatangkang magpasabog ng bomba sa Luneta sa Maynila kamakailan.

Sinabi ni Chief Supt. Oscar Albayalde, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na nadakip ang ikatlong suspek sa labas ng Metro Manila nitong weekend.

Ayon kay Albayalde, hindi niya maaaring ilahad ang iba pang impormasyon dahil ipiprisinta naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa media ngayong Miyerkules ang suspek.

Tatlo na ang nadadakip sa pag-iiwan ng bomba malapit sa US Embassy sa Maynila nitong Nobyembre 28, na inamin ng mga suspek na dapat ay sa Luneta nila pasasabugin.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“The operation against the two other remaining suspects is on-going,” sabi ni Albayalde.

Matatandaang ang unang suspek ay naaresto sa Caloocan City, habang sa Bulacan naman nadakip ang isa pa.

Sinabi ni Albayalde na sa umpisa ay inakala nilang nakabalik na sa Mindanao ang ikatlong suspek, ngunit nakumpirma nila kalaunan na nagtatago ito sa labas ng Metro Manila. (Aaron Recuenco)