baron-geisler-kiko-matos-copy

ANG Beastmode Productions ang gumawa ng Project Beastmode documentary sa natuklasan na ngayong staged lang palang sagupaan nina Baron Geisler at Kiko Matos noong May 26 sa isang bar.

Nag-umpisa diumano ang scripted nilang pag-aaway sa bar at sumunod ang much-publicized Universal Reality Combat Championship (URCC) fight last June 25.

Sa pahayag/post ni Baron sa kanyang Facebook account kamakailan, inamin niya na staged o palabas lang ang lahat at bahagi ng isang documentary.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang pinag-uusapan naman ngayon ay ang pag-ihi ni Baron kay Ping Medina sa set ng indie film na Bubog na ginagawa nila sa direksiyon ni Arlyn dela Cruz.

Kung iyong una ay gawa-gawa lang ng Beastmode Productions, ngayon ay gustong klaruhin ng nasabing kompanya na itong pangalawang kinasasangkutan nina Ping at Baron ay hindi na bahagi ng kanilang documentary film.

“Let it be clear that Project Beastmode had nothing to do with the recent incident between Baron Geisler and Ping Medina. We were all caught unaware. We hope all parties involved reach an amicable resolution,” pahayag ng Bestmore Productions. (ADOR SALUTA)