Isang sinasabing drug pusher, na halos araw-araw na pinapayuhan ng mga opisyal ng barangay na tigilan na ang paggamit at pagbebenta ng shabu, ang namatay matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang salarin sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima na nakilala lamang sa alyas na “Jun Bungo”, nasa 30-35 ang edad, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Kuwento ni Rodolfo Cornelio, ex-officio ng Barangay 120, bandang 2:30 ng umaga nang nakarinig sila ng anim na putok ng baril sa 2nd Avenue sa Rizal Extension.

Napansin nila ang tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo na papalabas sa nasabing lugar, kung saan nila natagpuang nakahandusay ang duguang biktima.

National

'A season of renewal!' PBBM, nakiisa sa selebrasyon ng Lunar New Year

Napag-alaman na nagsusugal ng cara y cruz sa lamayan sa lugar ang biktima nang lapitan at pagbabarilin umano ng mga suspek.

“Palagi po naming pinapayuhan ang biktima na maglubay na sa paggamit ng shabu, pero ayaw makinig, eh. Hindi kami nagkulang ng payo,” sabi ni Cornelio. (Orly L. Barcala)