DAVAO CITY – Sinimulan ng Philippine Health Insurance Corp. (PHIC) kahapon ang pag-aalok ng pinakabagong package na tinaguriang “Medical Detoxification Package” na nakalaan para sa mga pasyenteng nais tumigil sa paggamit ng bawal na gamot.

Sa presentasyon kahapon sa Lispher Inn, sinabi ni PHIC-Davao public relations officer 2 Kleah Gayle Dublin, na ang mga pasyante sa drug abuse, lalo na ang mga gumamit ng shabu, ay maaaring mag-avail ng tulong na P10,000 na pambayad sa professional at hospital fees.

Sinabi rin niya na babayaran din ng PHIC ang mga gastusin para sa co-morbidity conditions na kaakibat ng substance abuse, na kinabibilangan ng psychosis, ischemic heart disease, dilated cardiomyopathy, stroker, seizures, acute renal failure, at gastrointestinal disorder.

Sinabi niya na ang sakop lamang ng medical detoxification package ay ang unang bahagi ng rehabilitation ng drug-abuse patients na nakatuon sa “toxic and withdrawal manifestation” ng proseso, pero itinuturing na pinakakritikal na bahagi ng pangmatagalang paggamot sa mga pasyente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi niya na sa batay sa record ng Dangerous Drugs Board (DDB), umaabot sa 1.8 milyon ang drug users noong 2015, 90% dito ay gumagamit ng shabu. (Antonio L. Colina IV)