Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kahapon na ang inflation nitong Nobyembre ay pasok pa rin sa inasahang trend kahit na lumagpas ito sa kanilang forecast.

Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority na ang mas mataas na presyo ng mga pagkain, utilities at transportasyon ang nagtulak sa inflation sa 2.5%, ang pinakamataas na antas nito simula Pebrero ng nakaraang taon.

Tinaya ng BSP na maglalaro sa 1.6%-2.4% ang inflation sa Nobyembre.

“While higher than last October and slightly above the upper end of our forecast range for the month, the November figure brings year-to-date average to 1.7%, still below the lower bound of the national government target range of 2.0%-4.0%,” sabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Amando Tetangco sa isang pahayag.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa kanya, inaasahan nang tataas ang inflation sa 2017 at 2018 ngunit pasok pa rin ito sa 2.0%-4.0% target range.

“We continue to watch petitions for transport fare adjustments and global developments that may affect domestic inflation dynamics over the policy horizon,” ani Tetangco. (Dow Jones)