PINAKAMARAMI sa lahat ng female artists ang nominasyon kay Beyonce sa kasaysayan ng Grammy award nitong Martes sa natanggap niyang siyam, kasunod sina Drake, Rihanna at Kanye West na niminado naman sa walong kategorya.

Kabilang sa siyam na nominasyon ni Beyonce ang album, song, at record of the year, ang top three na parangal sa Grammy, para sa kanyang hit song na Formation at visual album na Lemonade, na koleksiyon ng mga awiting tungkol sa race, feminism at empowerment.

Naging nominado ang R&B singer ng 62 beses sa kasaysayan ng Grammy at nanalo ng 20 Grammy awards sa kanyang career sa loob ng dalawang dekada. Nakakuha naman ng 68 nominasyon sa kanyang career at nanalo ng 21 awards ang rapper na si Kanye West, na may walong nominasyon ngayong taon para sa kanyang The Life of Pablo na album

Pasok din ang Bristish singer na si Adele sa top three awards sa kanyang hit ballad na Hello at album na 25 at may kabuuang limang nominasyon. Naiuwi ni Adele ang lahat ng top three categories para sa kanyang 2012 album na 21.

Sen. Robin Padilla, kapatid na babae na ang trato kay BB Gandanghari

Magkakalaban naman para sa album of the year ang Canadian pop star na si Justin Bieber para sa kanyang Purpose, Canadian hip hop star na si Drake para sa kanyang Views at country music singer-songwriter na si Sturgill Simpson para sa kanyang A Sailor’s Guide to Earth.

Ihahayag ang mga mananalo ngayong taon sa star-studded televised ceremony sa Los Angeles sa Pebrero 12. (Reuters)