Ipinasa ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang palakasin pa ang regulasyon o paghihigpit sa pagpapasok ng mga banyagang manggagawa sa bansa.

Inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Rep. Randolph S. Ting (3rd District, Cagayan) ang House Bill 277, na inakda nina Reps. Karlo Alexei B. Nograles (1st District, Davao City) at Jericho B. Nograles (Party-list, PBA), at House Bill 710, ni Rep. Bellaflor J. Angara-Castillo (Lone District, Aurora).

Layunin ng panukala na amyendahan ang Articles 40, 41, at 42 ng Title II, Book One ng Presidential Decree No. 442, o ang “Labor Code of the Philippines” kaugnay sa Employment of Resident Aliens. Alinsunod dito, ang pagkuha ng dayuhang manggagawa ay idadaan sa Labor Market Test (LMT) upang matukoy ang “non-availability” o kawalan ng kuwalipikado at may kakayahang mamamayan ng Pilipinas na handang tanggapin ang bakanteng trabaho. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'