barbie-walk-of-fame-1-copy

AYAW maniwala ni Barbie Forteza nang unang sabihin sa kanya na isa siya sa mga pararangalan sa Eastwood’s Walk of Fame pero ginanap na ito noong December 1, at totoong kasama nga siya.

Labis-labis ang pasasalamat ni Barbie sa pagpapahalagang ibinigay sa kanya at naikumpara niya ang sarili sa isang batang nagsikap sa pag-aaral.

“Kapag very good ang isang bata sa school, lagi niyang ipinapakita sa magulang niya at sinasabing, ‘may star po ako.’ Pero ako, ang sasabihin ko na sa pamilya ko ngayon ay ‘may Walk of Fame Star na ako!’” pahayag ni Barbie.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Salamat din po sa lahat ng mga taong naging very supportive sa career ko at nangangako akong lalo pang mag-strive for more and continue to be a good example to my audience.

“Napakasarap sa pakiramdam bilang isang aktres na magli-leave ako ng mark na hinding-hindi nila malilimutan. Gusto ko ring magpasalamat sa mga taong naniwala at patuloy na naniniwala sa aking kakayahan bilang aktres. Asahan po nilang lalo ko pang pagbubutihin ang aking ginagawa.”

Hindi lang sa telebisyon gumagawa ng pangalan si Barbie. Maging sa pelikula ay sunud-sunod ang ginagawa niya at nakatanggap na siya ng acting awards sa indie films na ginawa niya. Nakadalo na rin siya ng mga international film festival sa ibang bansa.

Ngayon, bumalik siya paggawa ng teleserye sa GMA-7. Sa pagsisimula ng 2017, pangungunahan ni Barbie ang bagong primetime series na Meant To Be na apat ang kanyang leading men, sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Andy Raj at Jak Roberto.

Kaya tinutukso siya ng mga kaibigan niya na napakahaba ng kanyang hair.