brad-at-angelina-copy-copy

WALANG katotohanan ang mga ulat na maninirahan sa London si Angelina Jolie para gampanan ang isang mataas na posisyon sa United Nations, ayon sa kinatawan ng aktres.

“She has no intention of moving to London,” saad ng kanyang kinatawan. “In fact, she is looking for a new home in the Los Angeles area so that she can continue the family therapy sessions.”

Sa nakuhang dokumento mula sa korte ng ET nitong Lunes sa naaprubahang custody agreement kamakailan ng dating mag-asawang Angelina at Brad Pitt, ibinunyag ng huli na mayroong grupo ng limang mental health professional na tumutulong sa pamilya para sa “safe harbor theraphy.” Si Jolie ang may physical custody sa kanilang anim na anak na sina Maddox, 15-anyos, Pax, 13-anyos, Zahara, 11-anyos, Shiloh, 10-anyos, at ang kambal na sina Knox at Vivienne, 8-anyos.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Samantala, pumayag naman si Pitt na magpatuloy sa therapeutic visitation sa kanyang mga anak, at tiniyak ng therapist ng pamilya, na “shall at all times consider the best interests of the minor children,” ayon sa mga dokumento. Patuloy ding sasailalim si Pitt sa random drug at alcohol testing, pati na rin ang weekly individual at group therapy.

Patuloy ding dadalo ang mga anak nila sa individual counseling.

Naaprubahan ng hukom ang legal agreement ng dating mag-asawa nitong Disyembre 2.

Sa kabilang banda, nananatiling Special Envoy for the United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) si Angelina. At bagamat hindi lilipat sa London, tiyak na maglalaan siya ng mahabang panahon doon sa susunod na taon.

Magiging bahagi ang 41-anyos na aktres ng faculty ng London School of Economics’ Centre for Women, Peace, and Security bilang guest professor sa Setyembre 2017. (Entertainment Tonight)