ISA sa dalawang pink sand beach sa Pilipinas ang Las Islas De Santa Cruz sa binabalak idebelop ng Department of Tourism (DoT) para maging bagong tourist destination, lalo na para sa mga backpacker.

Kilala rin ang Las Islas de Santa Cruz bilang The Great at Little Santa Cruz Island Protected Landscape and Seascape o Pink Sand Beach ng Zamboanga.

Ang isla ay 3,425 ektaryang marine reserve na pinaniniwalaang mas malaki kaysa Boracay, ang 24/7 party island ng bansa. Pinamamahalaan ito noon ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) hanggang sa mailipat sa gobyerno ng Zamboanga City noong 2011.

Binisita ito ni Tourism Secretary Wanda Teo noong Lunes para makita ang pink sand beach at matiyak sa mga turista na ligtas ang turismo sa Zamboanga Peninsula.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“I personally came here because I want people to know that because ‘the Secretary of Tourism was here’, the more they should come here. I would like to show the world that Zamboanga is safe,” saad ni Sec. Teo sa press conference.

Nagtungo si Teo kasama ang iba pang mga miyembro ng DoT at media sa Basilan Strait dakong 8:00 ng umaga at sumakay sa 15-minute motorboat ride patungo sa isla kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police.

(PNP).

Nang dumaong sila sa isla, bumili si Teo at mga kasama ng mga accessory na gawa sa mga perlas at bato na inaangkat mula Malaysia. Nagsisimula ang presyo ng freshwater pearl na hikaw sa halagang Php50 pataas.

Sinubukan ng grupo ang lagoon tour sakay ng bangka na pinamamahalaan ng kabataan at mga batang benepisaryo ng The Yellow Boat of Hope Founation na nagsimula bilang national movement para tulungan ang mga bata na nasanay lumangoy para makarating sa kanilang paaaralan sa mangrove village ng Layag-Layag, Zamboanga City.

Pagkatapos ng tour, nangako si Teo na pangungunahan ang pagsisikap para idebelop ang isla sa paghahanap ng pondo mula sa TIEZA na dating namamahala nito.

“I would like to promote Santa Cruz as a new destination because of the pink sand. I have spoken to people in charge to coordinate with us for funding. We will help them through TIEZA,” ani Teo.

Inihayag naman ni Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, na sumama kay Teo sa biyahe, ang kanyang “fantastic experience” sa pagbisita sa isla at natuwa sa pagiging accessible nito.

“It’s so accessible. This is what global tourists want nowadays. The Secretary was very happy to see the island and has instructed TIEZA to provide funding to help facilities. We feel that the time for Mindanao has come,” saad ni Alegre.

“These are undiscovered territories as far as foreign tourists are concerned. We are confident that this will be properly promoted,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Alegre na nakipagtulungan na ang DoT sa mga law enforcement agency para madoble ang pagsisikap pagdating sa kaligtasan at seguridad ng pook. (PNA)