HINANAP namin si Mercedes Cabral sa Metro Manila Film Festival 2016 countdown event sa SM Skydome nitong nakaraang Sabado pero wala siya dahil may out of town shooting, sabi ng manager niyang si Shandy Bacolod. Pati ang lead actor sa pelikulang Oro na si Joem Bascon, wala rin.
Hirit namin sa manager ng aktres, baka sadyang umiiwas sa entertainment press ang alaga niya.
“Hindi naman,” mabilis na sabi ni Shandy, “ nagkataon lang talaga na may new film under AC Rocha na it’s about AIDS at out of town pa. Actually, sila ni Joem Bascon ang wala sa mall show ngayon. Si Joem meron namang ginagawa under Brillante Menzoda.
“Hindi naman siya umiwas nagkataon lang na busy siya ngayon and we’re doing a presscon naman for Oro starting next week na lahat ng events ng MMFF ay darating naman siya. And as a manager din naman also, I already told her na she should start answering din also at para malabas din naman ‘yung side niya.”
Hindi ba maaapektuhan sa box office ang Oro ng negative write-ups kay Mercedes, bunsod ng post nito sa Facebook against Mother Lily Monteverde?
“I believe hindi naman, may mga nagsasabi nga na baka raw gimik namin para mag-ingay ‘yung Oro. Of course we won’t do that, kasi as a producer also of Oro, masyadong maselan kasi ‘yung pelikula kasi, di ba, this is based in true events, kaso siya for massacre.
“Hindi ko papayagan na gumawa ng gimik para lang pag-usapan lalo na ‘yung pamilya ng mga namatayan ay buhay sila at nakikipaglaban pa sa hustisya. Hindi talaga gimik lang,” paliwanag ni Shandy.
“Sa totoo lang, pinagalitan ko siya to the highest level, talagang iniyakan niya, at sobrang galit ko talaga, grabe as a manager and as a friend.
“May assistant kasi na nag-screencap about it, so the original message, wala ‘yung word, ‘yung cuss word na ‘yun. It was just basically, ang emote niya lang, just referring na emote rin ng lahat ng tao na ang Pasko ay para sa lahat, siguro na-re-edit nalagyan nu’ng words na f_cking idiot. Alam ko naman na ‘yun ang pinakamalaking isyu.
“But knowing Mercedes, never siyang na-involve sa kahit anong isyu eversince and nakita natin kung paano niya na-survive ang industriya from being an indie actress, ‘yung hirap hanggang sa international actress siya at wala siyang katrabaho na hindi siya minahal.
“Kasi never siyang nali-late, barkada lahat hanggang utility, so hindi niya character, lalo na takot siya sa seniors.
“At ‘pag nakita naman ‘yung post, she never mentioned Mother’s name (Lily Monteverde) and never the word na, ‘she’s a f_cking idiot.’ Basically, it’s the concept and ayokong sabihing porke’t manager ako kaya ko ipinagtatanggol, but I believe out of context lang naman at misunderstood. And ako, masasabi ko na may valid reason naman lahat ng mga gustong sabihin and I agree sa sinabi ng lahat na ‘yung words ay mali ang pagkakagamit, masama ‘yun.
“Pero ipagtatanggol ko na it was never meant na bastusin si Mother Lily, senior namin siya and kung totoong may reklamo ang mga tao sa kanya o sinuman sa mga alaga ko, at the end of the day, mas marami pa siyang ginawa para sa industriyang ito,” sabi ni Shandy.
Nabanggit din niya nakagawa na ng tatlong pelikula si Mercedes sa Regal Entertainment.
Kung alam nilang mali ang mga salitang ibinato kay Mother Lily, bakit hindi humihingi ng paumanhin si Mercedes sa Regal matriarch?
“Siguro when we were asked to talk or to be interviewed, I actually I asked her kung gusto niyang magpa-interview, siguro at that time na-feel niyang ayaw niyang palakihin ang isyu kasi hindi niya pinanindigan na sinabi niya ‘yun.
“Pero ngayong lumaki na, she’s ready to talk na talaga, lahat ng presscon ng MMFF, she’s gonna be there, she’s gonna talk. Alam mo, sa totoo lang, mahihiya siya kay Mother Lily,” katwiran sa amin.
Anytime, puwede naman nilang puntahan ang Regal Matriarch na walang nakaharap na TV camera.
“I agree with you, oo tama naman po kayo, wala lang talaga siya ngayon, next week pa ang balik nila ni Joem.
Nasasaktan din ako sa mga nababasa ko na kung ano ang nagawa niya sa industriya, but this is not an issue kung ano ang nagawa niya sa industriya because at the end of the day, maraming pelikula na rin ang nagawa ng alaga ko from Denmark to Dubai.
“Siya ang kauna-unahang nagkaroon ng teleserye sa Middle East, but never niyang ‘pinagyabang. Ang ipinagmamalaki ko na lang ay ‘yung karakter ng alaga ko, and she’s ready naman to face kung may nasaktan siya, at magso-sorry siya, mag-i-explain,” sabi pa ni Shandy. (REGGEE BONOAN)