BUTUAN CITY – Isang magnitude 4.2 na lindol ang yumanig sa Siargao Island kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa magkahiwalay na panayam sa telepono, sinabi nina Surigao del Norte Gov. Sol F. Matugas at General Luna Mayor Jaime P. Rusillon, kapwa chairperson ng lokal na disaster risk reduction and management council, na walang naitalang pinsala o pagkasugat sa nasabing pagyanig. (Mike U. Crismundo)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito