Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa environmental law sa Sandiganbayan si incumbent Sto. Domingo, Ilocos Sur Mayor Amado Tadena at ang bise alkalde ng bayan at kapatid niyang si Floro Tadena, dahil sa pagpapahintulot sa operasyon ng isang open dump site sa lugar.

Ito ay matapos na kasuhan ng paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act (Republic Act 9003) ang magkapatid sa anti-graft court dahil sa kabiguan umano ng mga ito na ipasara ang isang dump site sa Barangay Sto. Tomas sa Sto. Domingo.

Si Floro ang naging alkalde sa Sto. Domingo mula 2004 hanggang 2010, habang si Amado ay nahalal na mayor noong 2010 kahalili ng kapatid nito, ngunit pareho umanong hindi inaksiyunan ng dalawa ang tungkol sa dump site.

Nilinaw ng Ombudsman na sa halip na magpalabas ng closure order ang alinman sa magkapatid ay pinayagan pa umano ng mga itong tapunan ng hospital waste ang tambakan. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito