vicky-at-jason-copy

INAMIN ni Jason Abalos na anumang oras ay puwede na siyang mag-propose ng kasal sa kasintahan niyang si Vicky Rushton pero ganoon na lang daw ang pagpipigil niya sa sarili.

Katwiran ng aktor na napaka-busy ngayon sa seryeng Langit Lupa, ang kanyang pagmamahal at malasakit sa kasintahan ang dahilan kung bakit ayaw muna niya itong pakasalan.

Gusto raw kasi niyang magkaroon muna ng panahon si Vicky para sa sarili at sa pamilya nito. Nauunawaan kasi ni Jason na may mga responsilibidad pa ang kanyang kasintahan sa pamilya at kung pakasalan na niya ito ay tiyak na magbabago ang prayoridad nito.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Iniisip nang husto ni Jason ang maaaring mangyari at ang posibleng maging damdamin ng kasintahan kapag niyaya na niya ito ng kasal.

Sa kabilang banda, handang-handa na si Jason para lumagay sa tahimik at magkaron ng sariling pamilya. Maganda kasi ang takbo ng mga negosyo niya.

Kuwento ng aktor, sa halos isang taon na wala siyang ginagawang proyekto sa ABS-CBN ay tinutukan niya nang husto ang kanyang mga itinatayong negosyo at mas nag-concentrate siya sa kaliwa’t kanang karaketan na inialok sa kanya.

Kaya halos hindi rin niya napansin ang sinasabi ng iba na lumamlam daw ang kanyang showbiz career dahil abala nga siya sa mga negosyong itinayo niya.

Ngayon na nakapag-ipon na siya, puwede na niyang pakasalan si Vicky pero may pakiramdam siya na hindi pa ito handang pasukin ang married life.

Kahit na nga raw nabanggit ng kasintahan na excited na itong magkaroon ng anak, naniniwala si Jason na darating din naman sila sa puntong ‘yun, sa tamang panahon, huh! (JIMI ESCALA)