Isa sa tatlong hinihinalang holdaper ang napatay nang makipagbarilan sa nagpapatrulyang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Supt. April Mark C. Young, hepe ng Nova Police Station 4, inilarawan ang nasawing suspek na nasa edad 25-30, 5’3” ang taas, kayumanggi, nakasuot ng itim na short pants, itim na t-shirt, at rubber shoes.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 12:40 ng madaling araw, agad rumesponde ang mga operatiba ng QCPD-PS4 nang makarating sa kanila na may tatlong hinihinalang holdaper na umaaligid sa Sarmiento St., Corner Geronimo St., Bgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Sa halip umanong tumalima ang tatlong suspek ay sabay-sabay pang bumunot ng baril at tatlo hanggang sa nauwi sa mainitang engkuwentro na ikinasawi ng isa sa kanila habang nakatakas naman ang dalawa.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Nakuha sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at .45 kalibre na baril. (Jun Fabon)