FLORIDA – Nanindigan si Pinay amateur golfer Regan de Guzman sa final round ng LPGA Qualifying tournament para makasikwat ng tiket sa LPGA Tour nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Daytona Beach, Florida.

Kumana si De Guzman ng final round 72 para sa kabuuang 355 at makapasok sa top 20 na may kaakibat na ‘full status’ sa LPGA Tour sa 2017.

“I had fun,” pahayag ni De Guzman.

“They are really great courses which were very challenging and I loved it. I’m very lucky and grateful to be able to do this.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang ang mga player mula sa 12 bansa ang nakapasok sa top 20, sa pangunguna ng mga liyamadong sina Jaye Marie Green ng US at Iceland’s Olafia Kristinsdottir.

Tumipa si Green ng 74 para sa isang stroke na panalo kay Kristinsdottir.

Kinapos naman si Dottie Ardina sa naiskor na 74 para sa kabuuang 357 at nakisosyo sa ika-21 puwesto. Nabigyan siya ng ‘conditional status’ para makalaro sa LPGA.

Tumapos naman si Clariss Guce sa ika-55 puwesto sa naiskor na 70 at kabuuang 364, habang hindi pinalad sina Princess Superal, Mia Piccio at Cyna Rodriguez na hindi umabot sa top 70.