KINAGIGILIWANG makita ng madla na walang suot na pang-itaas si David Beckham, ngunit sa pagkakataong ito, nag-shirtless si Beckham para sa magandang layunin

Naghubad ng shirt ang UNICEF Goodwill Ambassador sa isang bagong pelikula na naglalayong matuldukan ang karahasan laban sa mga bata. Ang kanyang pamosong mga tattoo, na naglalarawan ng mga natatanging alaala (kabilang ang tribute para sa kanyang asawa na si Victoria Beckham at sa kanilang apat na anak) ay nagpapakita kung paano nakakakuha ng sariling karanasan ang mga bata, sa pamamagitan ng pamhabang-buhay na peklat na dulot ng pang-aabuso at karahasan.

“Violence against children marks them forever. It’s wrong. End it,” sabi ng retiradong soccer player at modelo sa huling bahagi ng 60-segundong video.

Naging ambassador si Beckham ng charity simula 2015, at noong nakaraang taon ay tumulong para maitatag ang ‘7’, na kumakalap ng pondo para sa mga bata na nasa panganib sa buong mundo. Sa kanyang pagbisita sa Cambodia pagkatapos nito, inihayag niya na napakinggan niya ang nakakatakot na kuwento ng mga bata tungkol sa karahasan na kanilang naranasan.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

Bukod dito, si Beckham ay mapagmahal na ama sa kanyang mga anak na sina Brooklyn, Romeo, Cruz, at Harper. Kapag hindi nagbabahagi ng makahulugang mga video, napupuno ang kanyang Instagram feed ng mga larawan ng kanilang mga adventure bilang pamilya. (Yahoo Celebrity)