Maraming “direct hires” na overseas Filipino workers (OFWs) ang hindi nakakaalis dahil sa atrasadong pagpapalabas ng clearances mula sa gobyerno.

Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III na ang biglaang pag-akyat ng bilang ng direct hires na naghahanap ng mandatory clearance mula sa Department of Labor and Employment (DoLE) at nagiging sanhi ng pagkaantala ng kanilang pag-alis.

Gayunpaman, tiniyak ng kalihim na gumawa ng mga hakbang ang DoLE at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang matugunan ang pagkaantala sa deployment ng direct hires o ang mga manggagawa na nakahanap ng trabaho sa ibang bansa nang walang tulong ng mga recruitment agency.

Ipinaliwanag ni Bello na pinapayagan ng pamahalaan ang direct hiring ng mga manggagawa kung ligtas at tatratuhin sila nang tama ng kanilang mga employer. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?