02-CEU-Orlan Wamar / Olivarez College Vin Belaso in game one of the UCBL

Hindi pinaporma ng Centro Escolar University Scorpions ang Olivarez College Sea Lions para sa dominanteng 66-41 panalo sa Game 1 ng Universities and Colleges Basketball League (UCBL) best-of-three championship kahapon sa Olivarez Sports Center sa Paranaque City.

Simbilis ng kidlat ang galaw sa opensa at makamandag sa depensa ang Scorpions mula simula hanggang sa final buzzer para maitarak ang impresibong panalo at makalapit sa inaasaman ng kampeonato.

Pinangunahan ng 6-foot-5 na si Rod Ebondo ang ratsada ng CEU sa natipang 14 puntos, kabilang ang anim sa third quarter kung saan nahila ng Scorpions ang bentahe sa 49-31.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“We stared flat. That’s why the game was close in the first half. But we managed to make several adjustments in the second half,” sambit ni CEU coach Yong Garcia.

“During halftime break, I told my players to follow our game plan and they did. That’s the time we started pulling away,” aniya.

Naging pambawi rin ito ng Scorpions sa kabiguan sa Sea Lions, 65-63, sa pagtatapos ng second round elimination.

“I don’t want to say anything about Olivarez coming back strong in the second game. What we are going to do now is to make more adjustments in our defense. We will be more focus in our next game,” pahayag ni Garcia.

Iskor:

CEU (66) – Ebondo 14, Wamar 11, Opiso 11, Aquino 8, Guinataran 6, Arim 5, Manlangit 5, Casino 4, De Leon K. 1, Ehsan Veron 1, Umeanozei 0, Saber 0.

Olivarez (41) – Solis 15, Navarro 5, Belaso 4, Uduba 4, Saguiguit 3, Rabe 3, Bermudez 3, Singh 2, Geronimo 2, Sunga 0, Sala 0.

Quarters:

13-9, 28-22;, 49-31, 66-41.