SACRAMENTO, California (Reuters) – Inilalatag na ng mga mambabatas ng California, kontrolado ng Democrats, ang mga hakbang para labanan ang conservative populist agenda ni President-elect Donald Trump.

Noong Lunes, naghain ang mga lider ng dalawang kapulungan ng panukalang batas para protektahan ang undocumented immigrants sa estado mula sa mga pagsisikap ng Trump administration na ipatapon sila sa pag-upo ng bilyonaryong negosyante sa Enero 20.

Ang mga panukalang batas ay kasunod ng nominasyon ni Democratic Governor Jerry Brown kay US Representative Xavier Becerra bilang attorney general. Si Becerra ay isang high-ranking Democrat na hinamon ang papasok na administrasyon sa mga isyu gaya ng climate change, immigration at worker protections.

“Immigrants are a part of California’s history, our culture, and our society,” sinabi ni Assembly Speaker Anthony Rendon, isang Democrat mula Los Angeles, bilang tugon sa panawagan ni Trump na ipatapon ang undocumented immigrants at magtayo ng pader sa hangganan ng US at Mexico.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“We are telling the next Administration and Congress: if you want to get to them, you have to go through us.”