Malayang magbitiw sa tungkulin ang sinumang miyembro ng Gabinete na hindi sumasang-ayon sa mga programa at polisiya ni Pangulong Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr., sinabing mahalagang nagkakaisa ang Gabinete, at idinagdag na dapat na sarilinin na lang ng mga opisyal ang kani-kanilang opinyon at huwag na itong isapubliko.

“Cabinet Members accept the appointment with the implicit agreement that they agree with his program, platform and policies. While there may be matters they take issue with, these are to be handled consensually because it is vital for the Cabinet to be united,” sabi ni Evasco.

Ito ang naging pahayag ni Evasco makaraan niyang pagbawalang dumalo sa cabinet meeting sina Vice President Leni Robredo at Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan. (Genalyn D. Kabiling)

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands