Nagkakaisa ang mga miyembro ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na sa kabuuan ay naging matagumpay ang May 2016 elections na naghalal kay Pangulong Duterte.

Gayunman, binigyang-diin ng mga mambabatas na dapat pang pagbutihin ang automated election system upang ito ay higit na maging transparent sa susunod pang mga halalan.

Sa pagdinig sa assessment ng nakalipas na halalan, kinatigan ng mga kasapi ng komite ang pahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, na nahigitan ng 2016 elections ang pambansa at lokal na halalan noong 2010 at 2013 sa dami ng mga bumoto o voter turnout. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?